Aklan News
2 ARESTADO, SHABU AT DRUG PARAPHERNALIA NASABAT SA BUY-BUST OPS SA KALIBO
Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs ang dalawang suspetsado matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba bandang alas 7:40 ng gabi nitong Pebrero 12 sa Villa Atong Atang C.Laserna sa bayan ng Kalibo.
Kinilala ang mga suspetsado na sina John Michael Piedad, 22-anyos, tubong Legaspi St. Roxas City at Rodbelle Dosas, 29-anyos, isang tricycle driver ng Lawaan, Roxas City.
Sa panayam ng Radyo Todo kay PLtCol. Frency Andrade ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) Aklan sinabi nito na nagpositibo ang dalawa sa drug test partikular sa paggamit ng shabu.
Ibinunyag din nito na naabutan pa nilang gumagamit ng illegal na droga ang dalawa.
Dagdag pa ni Andrade, niyaya pa nila Piedad at Dosas ang asset ng pulisya na sumali sa kanilang illegal na aktibidad.
Sa nasabing operasyon, narekober sa mga suspetsado ang isang heat sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, kabuuang tatlong libong piso na buy-bust money.
Sa ginawang body search sa mga suspetsado nakuha kay Piedad ang boodle money at isang fold aluminum na mayroong suspected shabu at residues.
Samantala, ipinahayag ni PLtCol. Andrade na dalawang beses sa loob ng isang buwan nagtutungo ng Aklan ang dalawa upang magdala at magbenta ng ilegal na droga.