Connect with us

Aklan News

2 babaeng nag-order sa isang cafe online, di nagbayad; mga suspek nangutang pa sa may-ari

Published

on

2 babaeng nag-order sa isang cafe online, di nagbayad; mga suspek nangutang pa sa may-ari

Dumulog sa istasyon ng pulisya ang isang lalaking may-ari ng Cafe matapos na hindi ito bayaran ng 2 babaeng nag-order ng pagkain online at nanghiram pa sa kaniya ng pera.

Ayon sa complainant, Agosto 19, 2024 unang nangyari ang insidente

Nag-order umano online ng pagkain na nagkakahalaga ng P1300 ang 2 babaeng sina Razel Mae Mendoza, residente ng Kalibo, Aklan at Jaqueline Alinsod na taga Sta. Rosa, Laguna.
Nangako raw sila na sa Agosto 22 magbabayad dahil nagkaproblema pa ang kanilang cheque.

Samantala sa kaparehong araw Agosto 19, 2024 muling nagcontact ang mga suspek sa may-ari ng cafe at nangutang ng P3,000 sa gcash at nangako ulit na sabay nila itong babayaran sa Agosto 22.

Pagdating ng Agosto 21, 2024 pasado alas-6 ng gabi, muling nag-order ang dalawang babae ng pagkain na nagkakahalaga ng P1,330 ipinadagdag na naman ang bill sa kanilang mga naunang utang.

Pero pagdating ng Agosto 22, hindi na ma-contact ng may-ari ng cafe ang dalawa at naka-block na rin siya sa kanilang mga social media accounts.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente at pinaghahanap ang dalawang babae.