Connect with us

Aklan News

2 BAGONG COVID19 POSITIVE SA AKLAN – PHO

Published

on

Bumalik sa 17 ang bilang ng active cases sa Aklan matapos makapagtala ng 2 bagong kaso ng COVID-19 ang Provincial Health Office (PHO) kahapon, October 13.

Si Case no. 132 ay isang local case, 33 anyos na babae na taga Banga na nagkaroon ng conctact sa isang confirmed case habang si Case no. 133 naman ay isang 36 anyos na lalaki mula sa Kalibo.

May kabuuang 133 confirmed cases na ang Aklan kung saan 109 na ang gumaling, 7 ang namatay at 17 pa ang active.

Sa 17 active cases, 14 ang naka facility Quarantined at tatlo ang nasa ospital.