Connect with us

Aklan News

2 binata, inabangan at pinagsasaksak sa Andagao

Published

on

Maraming tama ng pananaksak ang tinamo ng dalawang binata mula sa ilang mga kalalakihan na nanambang sa kanila sa Andagao, Kalibo kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Kyle Palmon, 19, ng Brgy. Caano, Kalibo at Charlie Villanueva, 18, ng Brgy. Baybay, Makato.

Salaysay ni Villanueva sa Radyo Todo, nakursunadahan sila ng ilang mga kalalakihan habang nasa Beach Boys kaya nagdesisyon na lang na umuwi pero habang pauwi na ang mga sila sakay sa traysikel ay bigla silang hinarang ng mga di kilalang suspek at pinagsasaksak.

Aniya pa, siya ang unang sinaksak ng mga suspek na tumama sa paa at kanyang kamay.

Habang ang kasama naman niyang si Palmon ay nagtamo rin ng tama ng pananaksak sa dibdib at iba’t-ibang bahagi ng katawan na dahilan kaya maraming dugo ang nawala sa kanya.

Kapwa dinala ang dalawa sa ospital at kasalukuyan nang ginagamot habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa insidente.