Connect with us

Aklan News

2 binatilyong mula sa sayawan, sinaksak sa New Washington; salarin at motibo, patuloy pang inaalam

Published

on

Patuloy na inaalam ngayon ng mga kapulisan kung sino ang salarin at ano ang motibo sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pananaksak sa bahagi ng Brgy. Puis, New Washington nitong madaling-araw ng Biyernes, Abril 25.
‎Ang mga biktima ay kinilalang sina Renz Villa, 18-anyos, taga-Andagao, Kalibo at ang isa naman ay 17-anyos na taga-Brgy. Puis, New Washington.
‎Sa imbestigasyon ng New Washington PNP, ang parehong mga biktima ay mula sa isang sayawan sa Brgy. Jalas ng nasabing bayan.
‎Bandang ala-12:00 umano ng madaling araw, unang nasaksak ang menor-de-edad na biktima habang papauwi sa kanilang bahay.
‎Samantala, ang 18-anyos naman na biktima na naglakakad pauwi kasama ang kaniyang pinsan, ay tinambangan rin pagdating sa lugar.
‎Tinatayang nasa higit 10 kalalakihan ang nanambang sa dalawa.
‎Isinugod naman ang dalawa sa Provincial Hospital na kasalukuyang ginagamot. l Ulat ni Arvin Rompe