Connect with us

Aklan News

2 BUNGO NG TAO NA NAKASILID SA BALDE, NATAGPUAN SA TABING ILOG

Published

on

Dalawang bungo ng tao ang natagpuang nakasilid sa balde sa tabing ilog na sakop ng Pagsanghan, Banga, bandang alas 8:00 kaninang umaga.

Base sa inisyal na report ng Banga PNP, isang lalaki na nangunguha ng halaan sa ilog ang nakatuklas sa nasabing balde na nakabaon pa sa lupa, matapos umano niyang maapakan ang takip nito.

Kaagad ipinarating sa Banga PNP ang insidente, na patuloy pang iniimbistigahan.

Isasailalim naman sa laboratory examination ang mga nasabing bungo.