Connect with us

Aklan News

2 crim student na nakainom, nag-amok sa boarding house

Published

on

Natakot ang isang 59-anyos na babaeng may-ari ng boarding house matapos na mag-amok ang kaniyang dalawang boarders dakong alas-10:00 kagabi sa Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo.

Batay sa report, nag inuman umano sa naturang boarding house ang 21-anyos na residente ng Malay kasama ang 19-anyos na residente naman ng Nabas na pawang mga criminology student.

Sa gitna umano ng inuman ay nagkaroon ng komosyon kung saan magkakampi umano ang dalawa kontra sa isa pang crim student.

Naawat naman umano ito ngunit pagkatapos ng komosyon ay nag- amok naman ang dalawa sa boarding house dahilan upang masira ang ilang kagamitan roon.

Minabuti naman ng may-ari na tawagan ng police ang insidente.

Samantala, pansamantala namang ikinustodiya sa Kalibo Municipal Police station ang mga ito para sa karampatang disposisyon.