Connect with us

Aklan News

2 eskwelahan sa Altavas, nilooban ng hindi pa nakilalang kawatan

Published

on

2 ESKWELAHAN SA BAYAN ALTAVAS, NILOOBAN NG MGA HINDI PA NAKIKILALANG KAWATAN

NILOOBAN ng hindi pa nakikilalang kawatan o mga kawatan ang dalawang paaralan sa bayan ng Altavas nitong Sabado.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaang unang nilooban ang Cabangila Elementary School kung saan siyam umanong mga classroom, opisina, E-room at canteen ang niransak ng kawatan.

Isang laptop ang natangay sa naturang eskwelahan ngunit narekober din ito at pinaniniwalaang naiwan ng mga salarin sa Eahog Elementary School sa Brgy. Catmon, Altavas na sunod nitong pinasok.

Samantala, natangay naman sa Eahog Elementary School ang tatlong laptop at isang amplifier.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Altavas PNP upang matukoy ang kung sino ang nasa likod ng nangyaring nakawan.