Connect with us

Aklan News

2 indibidwal, nagsurender ng armas sa Altavas PNP

Published

on

ISINUKO ng dalawang indibiwal sa Altavas PNP ang kanilang mga baril na hindi lisensiyado bilang pagsuporta sa Oplan TKAL o Tokhang Kontra Armas Luthang ng mga kapulisan.

Batay sa ipinalabas na press release ng Altavas PNP, unang nagturn-over sa kanilang himpilan si Ariel Dela Cruz,50-anyos ng Brgy Catmon, Altavas ng isang caliber .38 homemade revolver (paltik) na walang serial number alas-11:45 kaninang umaga ngayong Hulyo 3.

Samantala, alas 2:15 nitong hapon, isinuko naman ni Honoracio Francisco, 59-anyos ng Brgy. Quinasay-an , Altavas ang isang cal .22 revolver na walang serial number.

Ayon kay PLt. Ryan Batadlan, OIC ng Altavas Municipal Police Station ito ay resulta ng pina-igting nilang kampanya kontra illegal na armas.

Ang mga isinukong armas ay pinapalitan naman ng PNP ng bigas at mga grocery upang hikayatin ang iba pang gun holders na isuko na ang kanilang mga armas na hindi lisensiyado.