Connect with us

Aklan News

2 LALAKI, KABILANG ANG ISANG LOLO, TIKLO SA ILIGAL NA TUPADA

Published

on

Illegal na Sabong

Nakorner ng mga pulis ang dalawang lalaki sa operasyon laban sa Illegal Gambling kahapon sa Brgy. Manocmanoc, Malay, Aklan.

Kinilala ang mga naarestong sina Johnny Gumboc Temple, 65 anyos at Temeo Ibarra Casimero, 26 anyos, kapwa residente ng lugar.

2 LALAKI, KABILANG ANG ISANG LOLO, TIKLO SA ILIGAL NA TUPADA

Batay sa report, ilang mga kalalakihan ang naabutan ng mga kapulisan na nagsasagawa ng iligal na sabong pero dalawa lang ang nahuli ng mga ito matapos mabilis na magsitakbuhan ang iba.

Nakuha sa posisyon ng mga ito ang P500 na at mga gamit sa pagsabong.

Sasampahan ang dalawang suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na may kinalaman sa iligal na tupada.