Connect with us

Aklan News

2 lalaki, sinaksak sa San Isidro, Banga

Published

on

‎ISINUGOD sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang lalaki matapos na magtamo ng tama ng saksak nitong madaling-araw ng Biyernes sa bahagi ng San Isidro, Banga,
‎Kinilala ang mga biktima na sina Jhon Carlo Lachica, 19-anyos at isang 17-anyos na binatilyo na pawang mga residente ng Polocate, Banga.
‎Nagtamo ng mga tama ng saksak si Lachica sa kaliwang kamay at kanang bahagi ng tiyan habang sa kaliwang bahagi naman ng tiyan ang naging tama ng 17-anyos na biktima.
‎Bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang isinugod ng mga responders sa ospital ang dalawa para sa kaukulang medikasyon.
‎Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Banga PNP sa naturang insidente. l Ulat ni Arvin Rompe