Aklan News
2 lalaking suspek sa pambubugbog sa New Washington, kinasuhan ng frustrated murder
Kasong frustrated murder ang kahaharapin ng dalawang lalaking suspek sa pambubugbog sa New Washington nitong Linggo.
Kung matatandaan, isinugod sa ospital ang biktimang si John Mark Ruiz ng Poblacion, New Washington matapos na pagtulungang gulpihin ng mga suspek na sina Mico Andrade, 24 anyos ng Brgy. Polo; Rodny Simeon, 19 anyos ng Brgy. Poblacion, New Washington at John Lee Alcante, ng Navitas, Numancia.
Ayon kay PSSGT, Ranjee Prado, matindi ang pinsalang tinamo ng biktima at pasok ang elemento ng ginawa nilang krimen sa mga batayan para makasuhan sila ng frustrated murder.
Wala rin umanong kalaban-laban ang biktima at pagkakataong makatakas habang binubugbog ng mga ito.
Napag-alaman na nakakulong na ngayon sina Andrade at Simeon matapos na mabigong makapagpiyansa ng P100, 000 bawat isa.
Nananatili namang at large sina Alcante na kakasuhan din ng frustrated murder sa pamamagitan ng regular filing.
Gayundin ang isa pa nilang kasama na si Darren Ureta na kakasuhan ng physical injury matapos bugbugin ang saksi sa krimen.