Connect with us

Aklan News

2 LASING NA NANGGULO AT NAMBANTA SA MGA TANOD SA BARANGAY CHECK POINT, ARESTADO

Published

on

2 LASING NA NANGGULO AT NAMBANTA SA MGA TANOD SA BARANGAY CHECK POINT, ARESTADO

Arestado ang dalawang lasing matapos umanong manggulo at nambanta pa sa mga tanod sa barangay check point bandang alas 9:35 kagabi sa Muguing, Banga.

Nakilala ang mga suspek na sina Joseph Dionesio Nabas, 50 anyos ng Mangan, Banga, at Reyne Villaruel Reynaldo, 32 anyos ng Muguing, Banga, kapwa mga magsasaka.

Nakilala naman ang mga barangay tanod na sina Ellen Bronio, magkapatid na Res at Reynan Oquendo, Joey Fulgencio, na sinasabing sinigawan at binantaan ng mga suspek sa presensya ni SK Chairman Vic Brian Dela Cruz at Kagawad Randy Cristobal na naroon din sa check point.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, naglalakad ang dalawa palapit sa barangay check point habang armado ng bara de kabra si Nabas, at itak naman ang kay Reynaldo.

Nagsisisigaw umano si Reynaldo ng “ano inyong nabantay-bantay iya…siin kampi kara ro mga tanod?”(Ano ang binabantay-bantay nyo rito…saan banda rito ang mga tanod?)

Kasunod nito, sinasabing hinampas ni Nabas ng hawak nitong ‘bara de kabra’ ang isang upuan doon, rason na nagpulasan ang mga nasa check point.

Naawat naman ang dalawa, subalit patuloy pa rin umano ang mga itong nagsisisigaw habang naglalakad pauwi.

Samantala, kaagad namang tumawag ng mga pulis si Kapitana Luzviminda Miraflores matapos magsumbong ang mga nasa nasabing checkpoint, resulta ng pagkakaresto sa mga suspek.

Nabatid na unang naaresto si Joseph sa kanyang bahay, habang naaresto naman ng mga pulis si Reynaldo sa likod ng kanyang bahay matapos umano siyang marinig na nagsisisigaw at may hawak pa na kalibre .38 na kargado ng 5 bala sa kanang kamay at itak naman sa kaliwang kamay.

2-LASING-NA-NANGGULO-AT-NAMBANTA-SA-MGA-TANOD-SA-BARANGAY-CHECK-POINT--ARESTADO---Photo-1

Pansamantala silang ikinustodiya sa Banga PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 at Grave Threat na isasampa laban sa kanila.