Aklan News
2 LASING NA ‘PUMALAG’ UMANO SA PAGSITA SA KANILA SA CURFEW, KINASUHAN NA
Kalibo – Kinasuhan na ang dalawang lasing na inaresto bandang alas 10:45 kagabi matapos umanong ‘pumalag’ sa pagsita sa kanila ng mga pulis dahil sa paglabag nila sa curfew.
Ayon sa Kalibo PNP kasong Disobedience at Resisting Arrest ang isinampa sa mga suspek na sina Richie Murallo, 56 anyos, at Alejandro Cahilig, 63 anyos, kapwa residente ng J. Magno St., Poblacion, Kalibo.
Base sa report ng Kalibo PNP, napansin ng nagpapatrolyang mga pulis ang dalawa na nasa labas umano ng bahay at naglalakad sa bahagi ng J. Magno kahit oras na ng curfew.
Nilapitan umano sila ng mga pulis para kausapin, subalit hindi umano sila pinapansin at sinabihan pa ng “Sin-o gid kamo iya ay?” (sino ba kayo rito?) habang patuloy sa paglalakad at sumakay ng kanilang traysikel.
Sa kabila nito, nagawa parin silang maaresto ng mga pulis at dinala sa Kalibo PNP station.
Samantala, sinasabing nagpatuloy sa pagka arogante ang dalawa partikular si Cahilig kahit nasa loob na sila ng presento, at nakipagtalo pa sa mga pulis, at iginiit na wala silang kasalanan.
Nang makapanayam naman ng Radyo Todo, sinbi naman ni Cahilig na pupunta lamang sana sila ng lamay nang hulihin sila ng mga pulis.
Napag-alamang labis ang kalasingan ng dalawa nang mangyari ang paninita.