Connect with us

Aklan News

2 magkapatid, nagtagaan

Published

on

2 MAGKAPATID, NAGTAGAAN

SUGATAN ang dalawang magkapatid matapos na mag-away at nauwi sa tagaan gamit ang itak nitong sa Barangay Marianos, Numancia nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng Numancia PNP, alas-10:30 ng gabi nitong Sabado nangyari ang insidente.

Kapwa nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang dalawa na agad namang nirespondehan ng MDRRMO Numancia at dinala sa Aklan Provincial Hospital kung saan sila ngayon naka-confine.

Samantala nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Numancia PNP kung ano ang dahilan ng insidente.