Aklan News
2 mangingisda nasagip sa tumaob na bangka sa Panilongan, Buruanga
NAILIGTAS ang dalawang mangingisda matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Sitio Masag, Brgy. Panilongan, Buruanga, Aklan.
Ang mga biktima ay parehong 21-anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.
Anila, habang namimingwit, nawalan umano sila ng balanse dahilan na tumaob ang sinasakyan nilang bangka.
Agaran naman silang nasaklolohan ng mga residente ng Masag, Panilongan at Sabang, Katipunan at ligtas na naibalik sa dalampasigan.
Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang dalawang mangingisda at masuwerteng hindi nasugatan sa nangyari.
Continue Reading