Aklan News
2 MOTORISTA, SUGATAN SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO


Numancia – Kapwa sugatan ang dalawang motorista matapos maaksidente sa motorsiklo bandang alas 3:30 kaninang hapon sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.
Nakilala ang mga biktimang sina Remegio Cesar, 59 anyos ng Aliputos, Numancia, at Christian De Juan, 29 anyos ng Dongon East, Numancia.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia PNP, nagmomotorsiklo papunta sa direksyon ng Laguinbanwa East, Numancia si Remegio nang lumiko umano ito pakaliwa papunta sa isang bakery nang aksidenteng mabangga ng sumusunod sa kanyang si De Juan.
Resulta, nagtamo ng pinsala sa katawan at ulo si Remegio matapos sumemplang ang kanyang motorsiklo, habang pinsala naman sa kanang paa ang tinamo ni De Juan.
Kaagad silang dinala sa ospital ng mga taga MDRRMO Numancia habang pansamantalang naka impound sa Numancia PNP ang kani-kanilang motorsiklo.
Samantala, sinabi naman ng Numancia PNP na may narekober silang 2 helmet sa lugar, subalit hindi umano nila makumpirma kung suot nga ito ng mga biktima.