Connect with us

Aklan News

2 MOTORSIKLO NAGSALPUKAN, 3 SUGATAN

Published

on

Tatlo ang sugatan sa nangyaring aksidente ala-1:20 kaninang hapon sa highway ng Linayasan, Altavas.

Nakilala ang mga biktimang sina Jimmy Jontilla, 35 anyos, at pasahero nitong si Genelyn Gervacio, 47 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar, at Reniel Gregorio, 21 anyos ng Odiong, Altavas.

Base sa report ng Altavas PNP, papunta sa direksyon ng Kalibo ang motorsiklong minamaneho ni Jontilla, nang mabangga umano ng rider na si Gregorio ang kaliwang manibela nito.

Nagkataon umano na mabilis ang takbo ni Gregorio mula sa blind spot na bahagi ng pababang kalsada kung kaya’t naabutan nito sina Jontilla.

Resulta, kapwa sumemplang ang kanilang mga motorsiklo na ikinasugat naman ng mga biktima.

Kaagad silang dinala sa Altavas Hospital, kung saan nabatid na hindi naman malubha ang sugat ng dalawa. Sinugod  naman sa provincial hospital si Gregorio dahil sa pinsalang tinamo nito sa ulo.

Continue Reading