Connect with us

Aklan News

2 patay, mahigit 20 sugatan matapos pumutok ang gulong ng isang truck

Published

on

PHOTO: MDRRMO Nabas

Nauwi sa sa trahedya ang masaya sanang outing ng magpamilya matapos pumutok ang gulong ng kanilang sinasakyang ELF Truck alas 10:30 ng umaga kahapon sa Barangay Nagustan, Nabas.

Ayon sa imbestigasyon ng Nabas Pnp, sakay ng nasabing truck ang 27 katao galing sa Ochando, New Washington at Baybay, Makato para sana mag outing sa Malumpati ngunit naharang ang mga ito sa Pandan, Antique dahil may mga dala itong mga karneng hilaw na hindi pinahihintulutan dahil sa banta ng ASF.

Napagdesisyunan na lang nila na lumipat sa Hurom-hurom sa bayan ng Nabas ngunit pagdating sa Barangay Nagustan sa paakyat na bahagi ng kalsada ay pumutok ang gulong ng kanilang sasakyan hanggang sa tumilapon ito.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga sakay nito at dalawa ang namatay na kinilalang sina Cassandra Manansala 2 taong gulang ng Ochando, New Washington at Monica Villanueva, 19 anyos ng Baybay, Makato dinala pa ito sa Ibajay District Hospital pero ideneklarang patay.

Samantalang 10 sa ngayon ang naka confine sa Provincial Hospital at ito ay kinilalang sina.

1.MALOU VILLANUEVA, 46 anyos; Baybay, Makato

2.GREG MANANSALA, 36 anyos; Ochando, New Washington

3.WENDY MAE MANANSALA, 24 anyos; Ochando, New Washington

4. MICHELLE TRIBU, 4 na taong gulang; Baybay, Makato

5. MAR KEN TRIBU, 7 taong gulang; Baybay, Makato

6.YHANA JENEL DELOYAS, 15 taong gulang; Baybay, Makato

7. JENNY MAE SILVESTRE, 17 taong gulang; Baybay, Makato

8. CAMILLE VILLANUEVA, 18 taong gulang; Baybay, Makato

9. ANNIAS VILLANUEVA, 23 anyos; Baybay, Makato

10. MARICAR VILLANUEVA; Baybay, Makato

Habang patuloy paring ginagamot sa isang pribadong ospital ang drayber ng truck na si Raul Boica, 54 anyos ng Ochando, New Washington.

Agad naming nakalabas ng ospital ang iba pang sakay ng truck matapos mabigyan ng paunang lunas ang kanilang natamong sugat sa katawan.