Connect with us

Aklan News

2 PINAGSASAKSAK NG NAKAALITAN SA ISANG LAMAY

Published

on

Dalawa ang sugatan matapos umanong pagsasaksakin ng nakaalitan sa isang lamay alas 11:45 kagabi sa Napti, Batan.

Nakilala ang mga biktimang sina Ave Patrick Abella, 22 anyos ng Poblacion, Batan, at Jonie Flores, 22 anyos ng Napti, Batan, habang nakilala naman ang suspek na si Cesar Salvador, 23 anyos, at residente rin ng Barangay Napti.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, una nang nagkadiskusyon sa lamay ang tatlo, kung saan sinasabing minarapat na umuwi ng suspek para makaiwas.

Hinatid pa umano ito ni Kagawad Ronie Bautista, subali’t sumunod pala ang mga biktima at doon na sila nagpang-abot.

Muli umano silang inawat ng kagawad nang pagtulungan umano ng dalawa ang suspek na bugbugin.

Kasunod nito, bumunot ng dalang patalim ang suspek at sinaksak ang dalawa dahilan na nagtamo ng sugat sa kanang likod si Flores, habang sa dibdib at kaliwang braso ang tinamong sugat ni Abella.

Kaagad silang dinala sa ospital, habang naaresto naman kinalaunan ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Batan PNP para sa karampatang disposisyon.