Connect with us

Aklan News

2 private security guard, inaresto sa paglabag sa Comelec gun ban

Published

on

PHOTO: Malay Municipal Police Station/Facebook

Dalawang security guard na may bitbit na mga armas ang inaresto sa Tabon Port, Caticlan kahapon dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.

Kinilala ang mga naarestong si Renzo Guanzon, residente ng Ibajay, Aklan at Jiffy Perez ng Poblacion, Malay, Aklan.

Nakita ng mga kapulisan ang dalawang guwardya na bitbit ang mga armas habang nag-eescort ng perang dala mula sa isang bangko sa isla ng Boracay.

Tinanong nila ang mga ito kung mayroon silang Certificate of Authority mula sa COMELEC pero wala silang naipakita.

Dahil dito, kinumpiska ang mga bitbit nilang dalawang shotgun at 9mm pistol na loaded ng mga bala.

Napag-alaman na ang mga suspek ay mga security personnel ng isang private security investigation agency na naka base sa Mindanao.

Magugunitang, ipinagbabawal ng COMELEC ang pagbitbit o pagdala ng mga baril, pampasabog o iba pang mga nakamamatay na armas sa panahon ng halalan mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29 maliban kung may aprubadong Certificate of Authority mula sa kanila.