Connect with us

Aklan News

2 PUGANTENG KOREANO NA NAGTAGO SA BORACAY, ARESTADO

Published

on

Dalawang puganteng Koreano na nagtatago sa isla ng Boracay ang arestado kagabi sa magkahiwalay na operasyon ng BI o Bureau of Immigration.

Kasama ang Malay PNP at Korean National Police Agency, unang dinakip bandang alas 8:00 kagabi sa Sitio Bolabog, Balabag ang 59 anyos na si Kwon Yong Tae, kasalukuyang residente ng nasabing lugar.

Isinilbi sa kanya ang kanyang Arrest Warrant (No.2012-7359) sa kasong Fraud o pandaraya na ibinaba naman ng Seoul Bukbu District Court, Republic of Korea (dated November 19, 2012-May 23, 2022).

Kasunod namang dinakip bandang alas 8:20 kagabi sa isang resort sa Balabag ang 40 anyos na si Lim Seungil (aka.IM Seung IL, na may Request for Arrest and Deportation dahil din sa kaparehong kaso.

Maliban dito, natuklasan din ng Bureau of Immigration na mayroon ding kasong Mob Assault si Seungil na may Arrest Warrant No.2015-5121 na ibinaba naman August 5, 2021 ng Uijeongbu District Court, Republic of Korea.

Kasunod nito, pansamantala at kasalukuyan silang nasa kostodiya ng Malay PNP para sa karampatang disposisyon.

Nabatid na iba’t-ibang negosyo naman ang pinasok ng dalawa habang nagtatago sa isla ng Boracay.