Aklan News
2 RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS MAGSALPUKAN
Patuloy pang ginagamot sa ospital ang 2 rider ng motorsiklo matapos aksidenteng magsalpukan alas 11:20 kagabi sa highway ng Laguinbanwa West, Numancia.
Nakilala ang mga biktimang sina Ramil Barrera, 18 anyos ng Polocate, Banga, at Jim Regil Iguban, 25 anyos ng Poblacion, Numancia.
Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, nagmomotorsiklo papunta sa direksyon ng Kalibo si Barrera, habang papunta naman sa kasalungat na direksyon si Iguban.
Subali’t nasa impluwensiya umano ng alak si Iguban, rason na nawalan ng kontrol sa manobela, at napunta sa linya ni Barrera.
Resulta, aksidenteng nagsalpukan ang kanilang mga motorsiklo, at sumemplang sa kalsada.
Resulta, kapwa nagtamo ng sugat sa kani-kanilang katawan ang mga biktima na kaagad ding dinala sa ospital, habang naka impound ang kanilang mga motorsiklo.
Samantala, kinumpirma naman ng Numancia PNP na nagkasundo naman ang pamilya ng magkabilang panig na magtutulungan sa gastusin medikal ng mga biktima.