Connect with us

Aklan News

2 STALLS SA BAYAN NG NABAS NASUNOG; DANYOS, TINATAYANG P200K

Published

on

Photo Courtesy| BFP Nabas Facebook Page

TINATAYANG aabot sa P200,000 pesos ang naitalang danyos sa nangyaring sunog alas-9:00 ng gabi nitong Lunes sa Barangay Poblacion Nabas, Aklan.

Nilamon ng apoy ang dalawang stalls ng commercial at residential building na pagmamay-ari ni Alma Conanan kung saan may mga umuupa dito.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO2 Jun Keith Alcones ng Bureau of Fire (BFP) Nabas, na ang nasunog na mga stalls ay nagbebenta ng cellphone at beauty products.

Dagdag pa nito na wala din aniyang tao sa nasabing mga stalls nang mangyari ang insidente.

Nag-ideklara namang fire-out ang lugar dakong alas 10:20 ng gabi.

Samantala, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP Nabas sa dahilan ng pagsiklab ng apoy.