Connect with us

Aklan News

2 sugatan sa hiwalay na aksidente sa kalsada

Published

on

Kapwa sugatan ang dalawang motoristang tinakbo sa Aklan Provincial Hospital dahil sa hiwalay na aksidente.

Isinugod sa ospital si Phoebe Jarandilla, 26, ng Brgy. Tondog, Tangalan matapos  maaksidente dahil sa asong biglang tumawid sa kalsada.

Nagtamo ng bali sa kanang paa ang biktima na ginagamot sa Medicare ward ng ospital.

Isang 22 anyos na binata din ang na confine sa ospital makaraang tumumba sa motor  at nahulog sa gutter dahil sa kalasingan.

Gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Ian Carlo Bastian ng Brgy. Nagustan, Nabas na kasalukuyang ginagamot na sa ospital.