Aklan News
2 sugatan sa magkahiwalay na motorcycle accident
Kapwa isinugod sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang motorista dahil sa magkahiwalay na aksidente.
Unang dinala sa pagamutan ang 68 anyos na biktimang si Essiah Ibardolaza ng Poblacion, Malinao matapos maaksidente sa Brgy. Sta. Cruz, Lezo.
Napag-alaman na mula si Ibardolaza sa Libacao at pauwi na sakay ng motor nang biglang tumawid ang isang bata sa kalsada at kanyang nabundol.
Dahil dito, nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang biktima at kinailangang dalhin sa ospital, habang ang batang kanyang nasagasaan ay dinala din sa isang pribadong ospital sa Kalibo.
Kaugnay nito, isinugod din kaninang umaga sa ospital ang biktimag si Edwin dela Paz ng New Washington matapos bumangga sa isang multicab.
Sinasabing sakay ng motor ang biktima at pauwi na matapos ihatid ang kanyang asawa sa tindahan nang sumalpok sa isang multicab sa may kurbadang bahagi ng crossing Briones at Mabilo matapos mag-lock ang kanyang manibela.
Kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas ang biktima sa pagamutan.