Connect with us

Aklan News

2 umano’y kawatan, arestado sa Boracay

Published

on

Arestado

ARESTADO ang dalawang lalaking itinuturung pumasok sa isang hotel sa Brgy. Balabag, Boracay nitong Linggo.

Kinilala ang mga akusadong sina Jay-e Almojuela, 28 anyos, tubong Oriental Mindoro at Randy Ventura, 27 anyos, tubong Guanco, Balete.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na nagsumbong sa kapulisan ang may-ari ng Villa ‘d Enghier na si Sherl Mae Villarino matapos madiskubre na pinasok ng kawatan ang kanilang hotel at nawawala na ang kanilang Proscenic cleaner.

Kaugnay nito, nakuha ang nasabing Proscenic cleaner sa suspek na si Almojuela gabi ng July 25 na nahuli sa curfew pero agad na nakalabas matapos magbayad ng citation ticket, habang nakalusot naman ang kasama nitong si Ventura.

Dahil dito, muling tinugis ng mga kapulisan ang dalawa at naaresto ang mga ito sa Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag.

Napag-alaman din na may pending warrant of arrest pa ang suspek na si Ventura sa kasong Attempted Robbery with Violence against or Intimidation of Person. Na may piyansang P6000.