Aklan News
2 wanted sa kasong qualified theft at rape, arestado
Arestado ang dalawang wanted person sa kasong qualified theft at rape sa operasyon ng Malay PNP sa Brgy. Cogon, Malinao at Brgy. Kabulihan, Malay.
Unang naaresto ng mga kapulisan nitong Miyerkules, Hunyo 22, ang 46 anyos na si Eduard Jude Serago sa Brgy Cogon, Malinao na wanted sa kasong qualified theft.
Sunod namang nahuli nitong Huwebes, si Lucas Bollido, 68, na may warrant of arrest sa kasong rape na inisyu sa Branch 36 ng Regional Trial Court sa Mountain Province.
Dinala sa Malay Police Station ang mga naaresto para sa dokumentasyon at karampatang disposisyon.
Nakalaya naman agad si Serago makaraang makapagpiyansa ng P120,000 habang wala namang piyansa para sa kasong rape ni Bollido.
Kaugnay nito, siniguro ni PLTCOL. Don Dicksie de Dios, Malay PNP chief na patuloy nilang tutugisin ang mga taong nagtatago sa kamay ng batas, “We assure the public that we will continue to locate, arrest and put behind bars those who are hiding and are held accountable by law.”