Connect with us

Aklan News

2 WANTED SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURY, NASAKOTE

Published

on

Dalawang wanted sa kasong serious physical injury ang arestado ng Makato PNP bandang alas 4:00 kaninang hapon sa Baybay, Makato.

Nakilala ang mga naarestong sina Altier Tando 20 anyos, at Jann Lyan Tando, 19 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa Makato PNP, kaagad inireport sa kanila ng barangay intelligence na naispatan ang dalawa sa Baybay, Makato kung kaya’t kaagad ang mga itong pinuntahan at isinilbi ang kanilang warrant of arrest sa kasong serious physical injury.

Nabatid na kahapon lamang, July 13, 2021 inisyu ang kanilang warrant of arrest na na may Criminal Case No.C-53-21na nilagdaan ni Hon.Joan Marie B.Vargas-Betita, Presiding Judge, MCTC Malinao-Lezo-Numancia.

Kasunod nito, pansamantala silang ikinustodiya sa Makato PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Pansamantala naman silang makakalaya kapag naihanda nila ang P30,000.00 na piyansa bawat isa.

Samantala, nabatid na nagawa umano ng dalawa ang nasabing krimen sa Navitas, Malinao noon pang October 23, 2020 kung saan sinasabing hinampas umano ng bato ng suspek na si Altier sa paa ang 1 sa 4 ng kalalakihang nakaaway nila noon.

Kaagad din umanong tumakas ang grupo nina Altier matapos ang insidente subali’t nasampahan parin ng kaso sa pamamagitan ng regular filing.