Connect with us

Aklan News

20 EMPLEYADO NG DPWH AKLAN, SAPUL NG COVID-19

Published

on

Kinumpirma ni Engr. Alejandro Ventilacion, District Engineer ng Aklan DPWH (Department of Public Works and Highways) na nagpositibo sa COVID-19 ang 20 empleyado ng kanilang opisina.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo, sinabi nito na unang nagpositibo ang isang empleyado mula sa Planning Section.

Sumailalim din sa swab test ang mga nakahalubilo nito at lumabas na positibo rin sa virus.

Dahil dito kinailangan nila na mag-disinfect kahapon at magpatupad ng lockdown na tatagal hanggang Biyernes.

Ipinahayag pa ni Ventilacion na maayos naman ang kalagayan ng mga empleyadong nagpositibo, ilan di umano sa kanila ay nakaramdam ng sintomas ng sakit pero sa ngayon ay gumaganda na ang kondisyon ng mga ito.

Samantala, hinihintay pa nila ang resulta ng may 20 empleyadong iba pa nacontact trace at nagpaswab test.