Connect with us

Aklan News

MUNISIPYO NG KALIBO, NAGPASAILALIM SA BALIDASYON PARA SA SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE 2019

Published

on

Photo|Flickr.com

Kalibo, Aklan – Sumailalaim sa national validation para sa Seal of Good Local Governance 2019 (SGLG) ang pamahalaang lokal ng Kalibo.

Ito ay matapos na maging ganap na batas ang Seal of Good Local Governance Act of 2019 o Republic Act 11292 nga nagbibigay pagpupugay sa mga local government units sa kanilang magandang serbisyo sa publiko.

Ang SGLG 2019 ay may temang “Pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal.”

Pinangunahan ang balidasyon nitong nakaraang martes ni LGOO VII Lydia Baltazar at LGOO II Donabel istepular bilang mga national validators. Nagsagawa sila ng mga onsite validation at document review sa mga pasilidad at dokumento ng LGU Kalibo base sa Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Peace and Order, Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Management at Tourism, Culture and the Arts.

Magugunitang, ilang taon ng sumasali at humahakot ng mga pagkilala ang LGU Kalibo sa itinatag na programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) na SGLG.