Aklan News
AKSIDENTE SA DAAN, 2 SUGATAN
Tangalan – Dalawa ang sugatan sa aksidente ng motorsiklo mag-a-alas 3:00 kahapon ng hapon sa Tamalagon, Tangalan.
Nakilala ang mga biktimang sina Dioscoro Talandon, 55 anyos ng Tondog, Tangalan, at James Palomata, 49 anyos ng Unidos, Nabas.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Tangalan PNP, nagmomotorsiklo galing sa bahagi ng Sitio Tagaytay, Tamalagon si Talandon nang bigla umano itong tumawid papuntang outer lane.
Subalit aksidente umano nitong nabangga ang kaliwang bahagi ng motorsiklong minamaneho ni Palomata na galing naman sa direksyon ng Kalibo papuntang Nabas.
Resulta, kapwa sumemplang ang kanilang motorsiklo rason naman na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital.
Samantala, inaalam pa ng Tangalan PNP ang magiging disposisyon ng magkabilang panig sa nasabing aksidente.