Aklan News
TULOY NA TULOY PA RIN ANG PASKO: “IWAG IT KALIBONHON” VIRTUAL LIGHTING, MAMAYA NA
Tuloy pa rin ang taunang “Iwag it Kalibonhon” mamayang gabi sa kabila ng kinakaharap na pandemya.
Dahil sa pandemya, gagawin itong “virtual lighting” bilang kaparte ng estratehiya sa new normal para maiwasan ang pagtitipon at pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa facebook post ng Vibrant Kalibo, pinagsikapan ng lokal na gobyerno ng Kalibo na matuloy ang paglalatag ng simpleng dekorasyon sa Kalibo Pastrana Park at kalsada bilang paalala na si Hesus ang sentro ang Pasko sa gitna ng krisis na dala ng pandemya.
Gaganapin ang virtual lighting mamayang alas-6 ng gabi, Disyembre 1 at mapapanood sa mga Facebook Pages: @vibrantlivablegreenerkalibo, @kalibopublicaffairs, KCTV Channel 1 at 24 ag ACTV Community Channel.
Maliban sa Kalibo, napuno na rin ng makukulay na Christmas decorations ang municipal hall sa mga bayan ng Makato at New Washington.
Inaabangan na rin ang virtual opening of lights sa Provincial Capitol Grounds ngayong December 8, 2020.