Aklan News
2022 ANNUAL BUDGET NG LALAWIGAN NG AKLAN, APRUBADO NA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN


Aprubado na ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang mahigit P2.5 billion na annual budget para taong 2022.
Matapos aprubahan ang naturang budget ay isinagawa rin ang taunang ceremonial signing sa ika-125th Regular Session ng 18th Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.
Sa nasabing ceremonial signing, pinasalamatan ni Vice Gov. Atty. Reynaldo “Boy” Quimpo ang lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa mabilis na pag-apruba ng taunang budget ng probinsiya ng Aklan.
Ayon sa bise-gobernador, ikinatutuwa niya na sa inaprubahang budget, malaking porsiyento ang mapupunta sa social services kasama na dito ang health, education, at iba pang mga assistance para sa mga indigent Aklanon.
Dagdag pa ni Quimpo na magpapatuloy ang gobyerno-probinsiyal ng Aklan sa pagtulong at pagsuporta sa lahat ng mga Aklanon na nangangailangan dahil sa epekto ng pandemya dulot ng COVID-19.
Samantala ayon kay Governor Florencio “Joeben” Miraflores ang inaprubahang 2022 annual budget ay maituturing na recovery budget.
Binigyan-diin nito na sa naturang pondo ay pinaglaanan din nila ng malaking porsiyento ang sektor ng agrikultura.
Nakita umano ng gobernador ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19. Ipinagmalaki din ni Gov. Miraflores na sa kanyang pagreretiro sa politika sa Hunyo 30 ay iiwanan niya ang Aklan na mas maganda kumpara noon.
Sinaksihan din ang naturang ceremonial signing ng lahat ng mga department heads ng Aklan Provincial Government.
Continue Reading