Connect with us

Aklan News

2,092 RICE FARMER SA BAYAN NG NEW WASHINGTON, MAKAKATANGGAP NG P5K CASH ASSISTANCE MULA SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Published

on

2,092 RICE FARMER SA BAYAN NG NEW WASHINGTON, MAKAKATANGGAP P5K CASH ASSISTANCE MULA SA DA

MAKAKATANGGAP ng limang libong piso (P5,000) cash subsidy mula sa Department of Agriculture (DA) ang 2,092 na mga rice farmers sa bayan ng New Washington upang makatulong na matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Shimonette Francisco sinabi nito na ang P5,000 cash subsidy ay bahagi ng inisyatibo ng DA sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance Program.

Layunin umano nitong matulungan ang mga magsasaka o iyong mga rice farmers na mayroong dalawang ektarya o mas maliit pang taniman ng palay.

Samantala, nilinaw ng alkalde na ang DA Regional Office mismo ang pumili ng mga benepisaryong makakatanggap ng nasabing cash assistance.

Ang tanging papel lamang umano ng LGU New Washington ay mag-facilitate sa distribusyon at hindi ang pumili ng benepisaryo.

Dagdag pa nito na i-sinumite lamang nila sa regional office ang listahan ng mga rice farmers sa kanilang bayan at ang regional office na ang pumili batay na rin sa kanilang database.

Sa katunayan ayon kay Mayor Shimonette ay nakatakdang dumating bukas ang masterlist gayundin ang payroll para sa kanilang 2,092 beneficiaries mula sa DA Regional Office.

Maliban sa limang libong ayuda ay makakatanggap din ang mga benepisaryo ng Farmer’s ID kung saan mayroon itong QR code na may biometric information sa mga farmers na naka-rehistro.