Aklan News
21 ANYOS NA LALAKI PATAY MATAPOS MA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

Tangalan – Patay ang isang 21 anyos na lalaki matapos maaksidente ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Jawili, Tangalan kagabi.
Ang biktima ay nakilalang si Joseph Sarza, nasa legal na edad, may asawa, tubong Altavas, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Jawili, Tangalan.
Ayon sa Tangalan PNP, nakatanggap sila ng tawag mga dakong 12:16 kaninang madaling araw mula kay punong Barangay James Tumbagahan ng nasabing lugar hinggil sa nasabing insidente.
Base sa imbestigasyon ng Tangalan PNP, papunta sa direksyon ng Ibajay ang motorsiklo ng biktima ng mag overshoot umano ito pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada kung saan tumilapon pa siya.
Nakita na lang umano ang biktima ng dalawang mangingisdang napadaan sa nasabing lugar na agad namang ipinagbigay alam ang nasabing insidente.