Aklan News
21-anyos na lalaki, timbog sa sextortion
Timbog sa ikinasang entrapment operation ng Numancia PNP ang isang 21 anyos na lalaking nagbanta sa isang 22 anyos na babae na ikakalat ang umano’y malaswang video nito kapag tumanggi itong makipagtalik sa kanya.
Ayon sa biktima, na-hack ang kanyang Facebook account at marami ang mga nagpapadala sa kanya ng mensahe kasama na ang suspek.
Pinagbantaan umano siya nito na kung hindi makikipagtalik sa kanya ay ipapakalat nito ang kanyang umano’y malaswang video.
Humingi ng naman tulong ang biktima sa mga otoridad na lingid sa kaalaman ng suspek.
Nagkasundo silang magkita sa isang lodging house sa Numancia kahapon at nang makapasok na sa kwarto ay doon na sumugod ang mga kapulisan para arestuhin ang suspek.
Paliwanag ng suspek, wala naman raw siyang hawak na malaswang video ng biktima at ‘joke’ lang umano iyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Grave Coercion in Relation to RA 10175.