Connect with us

Aklan News

210 KILO NG BAWAL NA KARNE, NAKUMPISKA SA KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT

Published

on

Photo|OPVET Aklan

Kalibo, Aklan – Umaabot sa 210.5 kilo ng pinagbabawal na produktong karne mula sa China at Korea ang nakumpiska mula sa Kalibo International Airport (KIA).

Ayon sa Bureau of Animal Industry, kumokonti na ang kanilang mga nakukumpiska sa loob ng dalawang linggo.

Ito ay dahil umano sa kanilang pag-abiso sa mga airlines na ipagbawal ang anumang meat products mula sa ibang bansa upang mapigilan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya.

Kaugnay nito, inilibing ang nakumpiskang mga meat products nitong Martes sa Municipal Dumping site ng Kalibo sa presensya ng mga taga LGU Kalibo at veterinary quarantine workers.