Connect with us

Aklan News

22 anyos na binata, todas sa dating kaalitan

Published

on

PATAY ang isang 22 anyos na binata makaraang saksakin ng dating kaalitan sa labas ng sayawan sa Brgy. Agbanawan, Banga madaling araw ng Linggo.

Isang tama ng pananaksak sa may kaliwang bahagi ng dibdib ang pumatay sa biktimang si Rey Retoriano, 22, anyos ng Brgy. Sigcay, Banga.

Kusa namang sumuko ang suspek na si Melvin Rala, 28 anyos ng Polocate, Banga.

Salaysay ng suspek, tinulak siya ng kasama ng biktima habang nasa loob sila ng sayawan kaya siya lumabas.

Pero muling nag-krus ang landas nila sa labas at sinuntok niya ang biktima na pinagsimulan ng gulo na humantong sa pananaksak.

Ayon naman kay PSSgt. Danilo Dalida ng Banga PNP, inamin ng suspek na may dati na silang alitan ng biktima pero matagal na itong nakalipas.

Maliban sa kasong homicide, magsasampa rin ng kasong slight physical injury ang pinsan ng biktima na sinuntok rin umano ng suspek.