Aklan News
238 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Aklan; bahagdan ng nagpo-positibo kada araw, patuloy ang pagtaas
Mula sa pinakahuling health bulletin na inilabas ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) nitong Agosto 1, 2021, makikita ang patuloy na pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 cases sa probinsya ng Aklan. Umabot na ito ng 59% kung saan 238 ang naitalang nag-positibo sa unang araw ng Agosto.
Mula ito sa 401 samples na sumailalim sa swab testing noong July 31, habang 163 naman ang nag-negatibo.
Apat ang naitalang nasawi ayon rin sa naturang health bulletin ng Aklan PESU.
Pinakamarami pa rin ang naitala sa bayan nga Kalibo na umabot sa 53 kumpirmadong kaso. Pangalawa ang bayan ng Ibajay na may 41, kasunod ang Malay na may 27.
Samantala, ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bawat bayan ng Aklan:
Altavas: 4
Balete: 2
Banga: 7
Batan: 3
Buruanga: 1
Ibajay: 41
Kalibo: 53
Lezo: 1
Libacao: 20
Madalag: 22
Makato: 8
Malay: 27
Malinao: 3
Nabas: 5
New Washington: 6
Numancia: 9
Tangalan: 26
Patuloy pa ring pinag-iingat ang lahat, at pinapayuhang sundin ang mga health protocols kontra COVID-19.