Connect with us

Aklan News

69 NEW CASES NG COVID-19, NAITALA SA LALAWIGAN NG AKLAN

Published

on

Nakapagtalang muli ng 69 new cases ng COVID-19 ang Aklan, ngayong Araw ng Kalayaan. Dahil dito, pumalo na sa 3029 ang kabuang bilang nito sa buong lalawigan.

Kabilang din sa bagong naitala ang 3 karagdagang binawian ng buhay dahil sa COVID-19. Kabilang dito ang isang 11 years old male mula sa Ibajay, 50 years old male mula sa New Washington, at 76 years old male na mula naman sa Malay. Umabot na sa 73 ang ang total death toll.

Ang mga new cases ay naitala mula sa mga sumusunod na bayan:
Altavas – 1
Balete – 5
Banga – 1
Batan – 1
Buruanga- 5
Ibajay – 10
Lezo – 13
Makato – 4
Malay – 12
Nabas – 9
New Washington – 8

Nangunguna ang bayan ng Lezo sa may pinakamaraming naitala, at sinusundan ito ng Malay at Ibajay.

May karagdagan ding 10 sa mga gumaling na, habang 671 naman ang active cases.