Connect with us

Aklan News

24 RESIDENTE NA ILEGAL NA NANGINGISDA SA KARAGATAN NG BURUANGA, NALAMBAT NG BANTAY DAGAT

Published

on

Image|2nd Aklan PMFC

24 na mga ilegal na mangingisda ang nahuli sa karagatang sakop ng bayan ng Buruanga ng pinagsanib na pwersa ng mga bantay dagat, Aklan Marptsa, BFAR-Aklan, Philippine Navy at Second Aklan PMFC bandang madaling araw ng Martes.

Kasama sa mga naaresto ang mga crew at kapitan ng 4 na barko na sina 1. Apolonio Malicse ng Brgy Balusbos, Buruanga, boat captain ng CAMMILLE JOY; 2. Mariano Panganiban Prado ng Nazareth Buruangga, boat capt. ng MBCA MERCEDES 6; 3. Erlan Dagohoy ng Brgy. Cabugin, Buruangga, boat capt. ng MBCA BROOKLYN, at 4. Joseph Alvaro ng Brgy. Nazareth, Buruangga, boat capt. ng MBCA GERALD 1.

Batay sa impormasyon, inaresto ang mga mangingisda dahil sa paglabag sa Section 86 (Unauthorized Fishing) ng Republic Act 10654.

Dinala sa kostudiya ng Aklan Maritime Police Station ang mga di-umanong illegal na mangingisda para sa kaukulang disposisyon.