Aklan News
25K na bisita at deboto, aasahang dadagsa sa Kalibo Ati-atihan Festival 2025- PMAJ Andrade
Inaasahang dadagsa ang 25,000 na bisita at mga deboto sa bayan ng Kalibo para makiisa at makisaya sa selebrasyon ng Sr. Sto. Nino Ati-atihan Festival 2025.
Batay ito sa pahayag ni Pmaj. Frensy Andrade, Hepe ng Kalibo Municipal Police Station.
Aniya, noong Oktubre palang ng nakaraang taon ay nagsimula na ang kanilang paghahanda katuwang ang LGU Kalibo at iba pang ahensiya para sa nasabing selebrasyon.
Nitong Enero 11 magsisimula ang deployment ng mga kapulisan mula sa APPO habang Enero 14 naman ang augmentation mula sa iba’t-ibang lalawigan.
Samantala, wala naman umanong mga pagbabago sa mga ipapatupad na alituntunin o do’s and don’t’s sa pagpasok sa festival zone.
Kaugnay nito, ipinasisiguro ni Pmaj. Andrade ang seguridad ng mga bisita mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan gayundin sa mga turista.