Connect with us

Aklan News

27-ANYOS NA CONSTRUCTION WORKER SA BORACAY, NAGPATIWAKAL

Published

on

Photo: Nst.com

“Baka ito na ang huling tawag ko”, Ito ang mensaheng binitawan ng 27 anyos na biktima nang tumawag ito sa kanyang ama sa Dumarao, Capiz bago magpakamatay.

Natagpuan ng kanyang katrabahong si Dennis Sarmiento ang katawan ng biktima na nakasabit sa loob ng banyo ng kanilang boarding house dakong alas-11 ng umaga kahapon sa So. Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay Island.

Nabatid na kasalukuyang nakatira ang biktima sa nasabing boarding house kasama ang katrabaho nitong si Sarmiento.

Kwento ni Sarmiento, nakita pa niyang nagkakape ang biktima sa labas ng kanilang tinitirahan bandang alas-7 ng umaga bago siya umalis.

Ngunit pagbalik nito sa tanghali ay natagpuan na lamang niya ang bangkay ng kanyang katrabaho na nakasabit gamit ang isang sinturon.

Mabilis naman nitong ipinaalam sa mga otoridad ang insidente at patuloy pa ang imbestigasyon.

Ayon sa kanilang foreman na si Ryan Albacino, mabait na bata ang biktima at walang masamang record sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Kasalukuyang nakahimlay ang kanyang bangkay sa socion Funeral Homes sa Sambiray, Malay.

NOTE: Lahat ng problema may solusyon, kung wala kang makausap, tumawag lamang sa Suicide Prevention Hotline Center for Development sa Western Visayas. 1-800-10-333-8336 0998-532-4047 0917-775-9256 0925-546-9919