Aklan News
2,700 FAMILY FOOD PACKS, NAKAHANDA NA SA AKLAN STATE UNIVERSITY-BANGA CAMPUS BILANG PAGHAHANDA SA BAGYONG ODETTE
Handa na ang 2,700 relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa mga pamilyang posibleng maapektuhan ng pananalanta Bagyong Odette sa Aklan.
Bahagi ito ng paghahanda ng DSWD6 kasunod ng tuluyang pagpasok kagabi ng bagyo na isa nang ganap na severe tropical storm.
Umabot sa 11,385 family food packs ang naka-imbak na sa iba’t-ibang strategic warehouses sa buong rehiyon habang 9, 918 food packs pa ang nasa Regional Warehouse.
Nasa P10.8 milyon ang kabuuang halaga ng naka standby na food packs.
Maliban sa food packs na may mga lamang bigas at delata, may mga non-food items pang inihanda ang DSWD tulad ng hygiene, sleeping, family, kitchen kits, tents, folding beds, at mosquito nets.
Sa ngayon, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging alerto sa posibleng pananalasa ng Bagyong Odette.