Aklan News
2,700 FOOD PACKS, AYUDA NG DSWD SA AKLAN NGAYONG MECQ
Makakatanggap ng 2700 family food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD VI) ang lalawigan ng Aklan na apektado ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon sa tagapagsalita ng DSWD VI na si May Rago Castillo, nagpadala na ang DSWD VI ng 1700 family food packs sa Aklan nitong Sabado at magdadagdag pa umano sila ng 1000 food packs ngayong linggo.
Base sa tala ng DSWD VI, nasa 36,327 food packs na may katumbas na P15.4 million na ang naibigay sa Aklan province simula nang mag umpisa ang pandemya.
Ipinauubaya na rin aniya ng DSWD VI sa mga local government units (LGUs) ang pagtukoy ng mga pamilyang mabibigyan ng ayuda.
Sa ngayon ay food packs lang muna ang maibibigay ng DSWD sa mga taga Aklan dahil nasa MECQ palang naman ang lalawigan.
Matatandaan na nagmigay ang DSWD ng financial assistance sa mga taga Iloilo City at Iloilo province na nasa ilalim ng ECQ.