Connect with us

Aklan News

278 HEALTH CARE WORKERS NG AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL NABAKUNAHAN SA UNANG ARAW NG VACCINE ROLL OUT

Published

on

Photo Courtesy| Florencio Tumbocon Miraflores FB page

Kabuuang 278 na health care workers ng Aklan Provincial Hospital ang nabakunahan sa unang araw ng pag roll out ng pag bakuna sa mga health care worker sa probinsya ng Aklan.

Anim dito ay nagkaroon ng minor adverse effect sa katawan tulad ng pagsakit ng ulo at pagtaas ng blood pressure na normal na mararamdaman pero hindi dapat ikabahala.

Patuloy naman ang ginagawang pag monitor sa lahat ng mga nabakunahan.

Pagkatapos naman ng 28 araw ay babakunahan ang mga ito para sa pangalawang doze.

Kung matandaan dumating noong isang araw ang 2420 na vials mula sa Sinovac para sa mga health care workers ng Aklan na syang prayoridad.

Patuloy namang nanawagan si Dr. Cornelio Cuachon ng PHO Aklan sa mga Aklanon na huwag mag alinlangan na magpa bakuna para maging ligtas sa sakit na COVID-19.