Aklan News
28 ANYOS NA CONSTRUCTION WORKER, NAGBIGTI-PATAY
Dead on arrival sa ospital ang isang 28 anyos na construction worker sa isang bayan sa Aklan matapos umanong mag-bigti-patay kaninang umaga.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis sa pamilya ng biktima, nanunood pa umano ito ng palabas sa telebisyon bandang alas 7:00 kaninang umaga sa kanilang bahay kasama ang batang pamangkin.
Umuwi rin umano kinalaunan ang Bandang alas 9:30 rin kaninang umaga nang ipahanap ito ng kanyang kapatid, subalit nagulat na lamang umano ang kanyang pamilya matapos siyang matagpuan na nakabitay sa loob ng kanyang kuwarto.
Dinala pa ang biktima sa ospital, ngunit wala na itong buhay pagdating doon.
Kaugnay pa nito, kinumpirma din ng mga pulis na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.
Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon ng pulis na nakaranas umano ng depression ang biktima dahil nawalan ito ng trabaho mula pa nitong nakaraang buwan ng Marso.