Connect with us

Aklan News

28 di rehistradong behikulo sa Boracay Island, hinuli ng Malay PNP

Published

on

Photo Courtesy: Malay Municipal Police Station

Hinuli ng mga kapulisan ang 28 mga hindi rehistradong behikulo sa isla ng Boracay.

Ito ay sa pamamagitan ng pinagsanib ng operasyon ng Malay Municipal Police Station Motorcycle Unit kasama ang Municipal Traffic and Regulatory Office.

Ang mga na-apprehend na behikulo ay kinabibilangan ng single motorbikes, topdown at multicab na lumabag sa Article 18 ng Municipal Traffic Code ‘Special Permit to Transport Vehicles to Boracay Island.’

Layunin nitong maiwasan ang sunod-sunod na serye ng vehicular accidents at traffic congestion sa isla.

“We will intensify our traffic operations to clear our roads of colorum services so that our motorists would have speedy traffic flow,” ani PLTCOL De Dios.

Ipinasiguro ng Malay PNP na ipagpapatuloy nila ang kanilang pagtulong para sa maayos na daloy na trapiko at huhulihin ang mga lalabag sa batas trapiko.