Connect with us

Aklan News

29 kaso ng fire-crackers injuries, naitala sa Aklan

Published

on

29 KASO NG FIRE-CRACKERS INJURIES, NAITALA SA AKLAN

 Nakapagtala ng 29 na kaso ng fire-crackers related injuries sa lalawigan ng Aklan.

Batay ito sa datos ng Provincial Health Office (PHO) Aklan mula December 21, 2024 hanggang January 2, 2025.

Ayon kay Mr. Roger Debuque Health Program Officer II ng PHO-Aklan, mula sa nasabilang bilang, siyam ang mula sa bayan ng New Washington; tig-3 naman mula sa Tangalan, Nabas, Numancia at Kalibo; 2 sa bayan ng Malay, Batan at Ibajay habang isa naman sa Makato.

Karamihan aniya sa mga ito ay nabiktima noong bisperas ng Bagong Taon o December 31 kung saan 11 rin dito ay pawang nasa impluwensiya ng nakalalasing na alak.

Walong taong gulang ang pinakabata habang 67-anyos naman ang pinakamatandang nabiktima ng paputok.

Samantala, 9 ang nabiktima ng kwitis; 8 sa 5-star; tig- isa sa boga; labintador, bawang, whistle bomb at luces habang 4 rito ang hindi natukoy.

Sinasabing, dalawa ang confined sa ospital at 27 rito ang out-patient na halos nagtamo lamang ng paso sa kamay at ibang bahagi ng katawan.